Kahit natalo sa Game 1 sa score na 1-0, mataas parin ang morale ng team papasok pa lang sa laro ng Game 2.
Kumpiyansa ang team na magagawa nila ang kinakailangan na 2-1 na panalo para makapasok sa finals.
Nakatulong din ang pagdating ng mga pamilya at kaibigan mula sa Pilipinas pero wala pa rin binatbat sa mahigit na 80,000 Indonesian fans na pumuno sa Bung Karno stadium.
Sa laban, natuloy pa rin ang depensa ng team at mas may halo na ring pag-atake sa opensa.
Sa ika-43 na minuto, nalusutan ang Azkals ng naturalized player ng Indonesia na si Cristian Gonzales para maka-goal. Sa Game 1 noong Huwebes, si Gonzales din ang nagpanalo sa Indonesia.
Nagtapos ang halftime 1-0, lamang ang Indonesia
Kahit may mga pagkakataon na makapuntos sa 2nd half, hindi na nakahabol ang Azkals at ang Indonesia naman ay tutuloy na sa finals kontra Malaysia.
Sinasabing ang Indonesian team ang pinakamalakas sa Suzuki Cup dahil lahat ng team na tinalo nila, hindi bababa sa dalawang goal ang lamang.
Aminado ang coach ng Indonesia na si Alfred Riedl, malakas ang Pilipinas at respetado na niya sila.
“We played a great opponent. They made it very difficult for us to win the match today. They have a lot of set plays at corner and free kicks, and it was, each time, very dangerous for us,” kanyang sinabi.
Ang British coach naman ng Azkals na si Simon McMenemy, wala nang mahihiling pa.
"I'm very proud as the Filipinos' head coach... I'm very proud of my place tonight," sabi niya.
Taas-noo naman ang mga player sa nagawa ng team. Nangako silang umpisa pa lang ito ng pag-angat ng Philippine football.
"Sobrang proud ako sa mga boys. I'm really honored to be part of this team na ito and to captain the team this far," sabi ni Aly Borromeo, captain ng team.
"For us to come out and be underdogs to not even expect to qualify, and then get to the semifinals and do so well in the semifinals, we can only grow and get better with these experiences," sabi naman ng goalie na si Neil Etheridge.
Kahit bigo na makapasok ng finals, umaapaw ang supporta ng mga Pilipino sa Azkals sa Internet na nagpapasalamat sa pagmulat sa bansa sa pinakasikat na sport sa buong mundo.
Ngayong gabi nakatakdang bumalik sa bansa ang Team Azkals. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino
Pinoy Movies | Tagalog Movies | Filipino Movies | Philippine Movies | Download Full Movies | Upcoming Movies | Latest Movies | Movie Trailers
xat
TITLE
Pinoy Radio AM FM Listening Stations
ENERGY FM - Dagupan MONSTER RADIO IFM MANILA ENERGY FM - CEBU IFM - DAGUPAN HOMERADIO HOTFM - ANTIQUE HOTFM - DAGUPAN MAGIC FM KISS FM - LUCENA CROSSOVER - MANILA CROSSOVER CD - MANILA ENERGYFM - MANILA 99.5RT LOVE RADIO - BAGUIO LOVE RADIO - DAGUPAN LOVE RADIO - GENSAN LOVE RADIO - SANTIAGO LOVE RADIO - BUTUAN YESFM - MANILA DZMM RADYO CEBU DZRH RADYO DAGUPAN RADYO SANTIAGO WRock
No comments:
Post a Comment