PNoy, walang ka-date sa premiere ng 'Dalaw'

Bigatin ang mga guest sa premiere ng "Dalaw" ni Kris Aquino. Bukod sa big bosses ng ABS-CBN, dumating walang iba kundi si Presidente Noynoy Aquino at presidential sisters na sina Ballsy, Pinky at Viel.

Kapansing-pansin namang walang kasamang date si PNoy sa event.

Hiwalay na dumating ang na-link sa kanyang stylist na si Liz Uy na iwas sa mga tanong kay PNoy.

Si Kris diretso ang sagot kung stylist pa si Liz ng presidente.

"No more," kanyang sinagot nang tinanung kung si Liz pa rin ang stylist ni PNoy.

Ibig bang sabihin nito, malamig ang Pasko ni PNoy?

Kanina sa dzMM Teleradyo sa programa ni Ted Failon, ibinuko ni Kris na ipinakilala na ni PNoy ang babaeng dine-date niya sa eklusibong party ng Pamilya Aquino kagabi— ang Ilonggang stockbroker na si Len Lopez na unang lumabas ang litrato kasama si PNoy sa The Philippine Star.

"I was so impressed kasi, siguro nito hindi naman magagalit si Noy, ang payat... My God, kasing payat ni Kim Chiu! And very elegant," sabi ni Kris.

Nang tinanong kung pasado sa panlasa ng pamilya, sagot ni Kris: "Alam mo ako kasi ayoko nang magbigay ng comment doon, but she really looked good... Marunong siyang makibagay, she was very friendly to all of us..."

Ayon kay Kris, tingin niya ay hindi naman mamasamain ni PNoy ang kanyang pagsisiwalat sa love life nito.

"I said nice things, di ba? So he'll be happy. And I love him so much," sabi pa ni Kris.

Wala raw ibang hangad si Kris kundi maging masaya ang bachelor president. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino

No comments:

Post a Comment